ni NORA V. CALDERON
At home being a Kapuso si Ken Chan, nang muli siyang pumirma ng exclusive contract sa GMA Network sa harap ng top executives ng GMA Entertainment Group headed by GMA Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable, last Monday, February 8.
“Yung matawag ka pa lang na “Kapuso” ay sobrang sarap na sa pakiramdam,” sabi ni Ken.
“Hindi madali ang mga pinagdaanan ko para makapasok sa showbiz industry pero binigyan ako ng pagkakataon ng GMA para buuin ang mga pangarap ko bilang isang actor. Proud ako na nakagawa ako ng mga teleseryeng may mga kakaibang istorya at maraming tao ang sumaya at na-inspire.”
Katatapos lamang maging Journey Host si Ken sa The Clash 3 at regular din siyang napapanood sa All-Out Sundays at ngayon ay nakahanda na siya sa lock-in taping ng upcoming drama series na Ang Dalawang Ikaw na pagtatambalan ni Rita Daniela sa ikatlong pagkakataon. Very challenging ang role ni Ken na ita-tackle ang character niya na may Dissociative Identity Disorder (DID), na dual role ang gagampanan niya.