TAMPOK na panauhin sa ‘Usapang Sports on Air’ via Zoom ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon ang mga personalidad sa pro basketball, billiards, boxing at kurash.

Inaasahang, ipapahayag ni Blackwater Bossing team owner Dioceldo Sy ang mga paghahanda ng koponan sa 46th season ng PBA, mga plano sa Rookie Draft at ang paglahok sa East Asia Basketball League.

Nakatakdang magsimula ang first part ng forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), PAGCOR at Games And Amusements Board (GAB) ganap na 10 ng umaga.

Sa second part, makakasama ng sports community sina Southeast Asian Games boxing gold medalist at 2016 Rio Olympian Charly Suarez, SEA Games women's kurash gold medalist Estie Gay Liwanen, Sanman Promotions head JC Manangquil, Makati Pool Players Association Director Leslie "Anitokid" Mapugay at Wilde Blu Junior Billiards Team mainstay Bernie "Benok" Regalario.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakalinyang sumabak si Suarez sa professional stage laban kay Jonjon Estrada sa Reboot 2021: Dawn of a New Beginning sa Paniqiui, Tarlac sa Feb. 13.

Inaanyayahan ang mga opisyal at miyembro na makiisa sa programa na pangangasiwaan ng host na sina veteran sportscaster podcast host Ernest Hernandez.