Ni VANNE ELAINE P. TERRAZOLA
Magkakaroon na ng opsiyon ang mga magkapareha na magpakasal sa pamamagitan ng videoconferencing dahil ang panukalang batas na magpapahintulot rito ay nakasalang na sa House of Representatives.
Sinimulan ng House Committee on Revision of Laws nitong Martes, Pebrero 9, ang pagtalakay sa House Bill No. 7042, na naglalayong baguhin ang Family Code ng Pilipinas, at pinahintulutan ang pagkakaroon ng virtual presence ng mga magkapareha at kanilang mga saksi sa isang seremonya.
Sinabi ni Kabayan Party List Representative Ron Salo, may-akda ng panukalang batas, na panahon na para sa Kongreso na ipasa ang panukalang “Virtual Marriage Act” sa gitna ng pagbabawal sa mga pagtitipon ng masa at mga patakaran sa social distancing. Ang ilang mga estado sa US ay pinagtibay na ito dahil sa nagpapatuloy na pandemya ng coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi din niya na ang panukalang batas ay “perfectly-timed” para sa Araw ng mga Puso sa Pebrero 14.
“As they say, love knows no boundaries. And this pandemic should not be a reason for the postponement of marriages or even to just allow the couples to live as husband and wife without the benefit of marriage,” sinabi ni Salo.
“We give our people an option...that the marriage of couples who chose to tie the knot via Zoom or any other video conferencing application will be considered valid,” paliwanag niya