Ni BELLA GAMOTEA
Kinumpirma kahapon ni Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano na nagpositibo siya sa coronavirus disease (COVID-19) batay sa resulta ng kanyang swab test.
Sa pahayag na inilabas ng Public Information Office sa Facebook page nito, sinabi ng alkalde na ilang araw siyang nakaramdam ng sintomas ng naturang sakit kung kaya agad siyang sumailalim sa swab test, at positibo ang resulta.
Sa ngayon ay naka-isolate na si Mayor Rubiano at isinasagawa na rin ang COVID protocols ng lungsod ukol sa contact tracing sa maaaring source ng sakit at sa mga nakasalamuha ng alkalde upang maiwasan ang tuluyang pagkalat nito.
Inatasan ni Rubiano ang lahat ng departament head at mga kawani ng Pasay City Hall na ituloy pa rin ang mga programa at huwag pabayaan ang mga kababayan sa kabila ng kanyang kalagayan.