ni Nora V. Calderon

SINORPRESA ng mga segment hosts ng Unang Hirit, ang mag-asawang Juancho Trivino at Joyce Pring, ang mga co-hosts nila sa programa, kahapon ng umaga. February 9 nang i-announce nilang nineteen weeks nang pregnant si Joyce. Siyempre pa ay tuwang-tuwa ang lahat sa magandang balita.

Sa “Unang Hirit” nagsimula ang love story nina Juancho at Joyce nang pareho silang kuning segment host na dumadayo sa iba’t ibang lugar ng bansa para maghatid ng saya at magbigay ng premyo sa mga pa-contests na ginagawa nila, kaya doon nila minabuting mag-asawa, i-announce ang kanilang sorpresa.

Ikinasal sina Juancho at Joyce noong February 9, 2020 sa Sofitel Plaza Manila. Kaya naman sa first anniversary dinner nila last Monday, February 8, sa Sofitel, na-shock si Juancho sa sorpresa ni Joyce na anniversary gift nito ay inabot sa kanya ang pregnancy test result nito.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

“Iyak ako nang iyak sa tuwa,” sabi ni Juancho sa interview sa kanila ni Joyce sa show. “Wala kasing sinasabi si Joyce kaya talagang sorpresa sa akin at sa amin ding family, na preggy na pala siya.”

Hindi pa nila alam ang magiging gender ng baby nila, pero magkakaroon sila ng gender reveal announcement kapag meron na. Congratulations Juancho and Joyce!