ni Nora V. Calderon

NASA second cycle na ng lock-in taping ang romantic-comedy series ng GMA Public Affairs na Owe My Love, pero lalong masaya sa pagtatrabaho ang buong cast na binubuo nina Lovi Poe, Benjamin Alves, Winwyn Marquez, Jackie Lou Blanco, Leo Martinez, Nova Villa, Ms. Ai Ai delas Alas, at marami pang iba.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Isa raw kasing magandang samahan ang nabuo sa kanila, at lahat sila ay nagkakasundo sa lahat ng bagay, lalo na sa pagkain. Ang dami raw kasi nilang pagkain na dumarating sa set, ipinadadala ng mga sponsors bukod pa sa laging nagluluto si Ai Ai ng masasarap na pagkain at isa rito ang paborito nilang ube pandesal.

Kaya sabi nga nila, “we will never regret na napasama kami sa cast ng napakaganda naming show at sa nabuong samahan namin dito, na kapag natapos na ang lock-in taping namin, mami-miss namin ang isa’t isa, ganoon din ang production staff, crew at lahat ng katrabaho namin dito.”

Sabi naman ni Lovi, “dahil sa mga kasama namin sa set, parang it makes a lot easier away from home. Kaya ngayon pa lamang excited na ako sa pagdating ng Valentine’s day dahil day-off namin at dito ko na isi-celebrate ang birthday ko (February 11) at nag-promise si Ate Ai Ai na magluluto siya para sa amin.”

Sa Monday, February 15 na ang pilot telecast ng “Owe My Love” sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Love of my Life.