Ni NORA V. CALDERON
SA Kanyang Instagram post, ipinakita na ni Angelica Panganiban ang non-showbiz boyfriend niyang si Gregg Homan, nang magkasama silang namasyal sa Subic Bay. Iyon ang first photo nila together at ipinakilala na niya si Gregg sa public.

Kung matatandaan, parang patikim lamang ang pagpapakilala ni Angelica sa boyfriend noong January 1 na ipinaalam na rin niya ang kanilang relasyon. Isang photo iyon na kuha noong New Year’s eve na may mga fireworks, kaya reddish ang color, at hindi maliwanag ang faces nila.
Caption pa noon ni Angelica: “Kung isa kang pelikula, sana, wala kang ending.”
Hindi pa lubusang ipinakikilala ni Angelica si Gregg sa mga friends niya, pero isinama niya ang kanyang mommy, nang pumunta sila sa Subic, na posted din niya sa Instagram. Post naman ng best friend ni Angelica na si Glaiza de Castro (na very happy rin ang lovelife), nakilala na niya si Gregg at “sobrang bait” daw nito.