Ni REMY UMEREZ
Umani ng papuri mula sa Air Supply ang bagong version ni Iñigo Pascual ng kanilang biggest hit All Out of Love.
Fantastic! Ang reaksyon ng duo nina Graham Russell at Russell Hitchcock sa rendition ni Iñigo. Higit sigurong naging memorable kung ang mag-amang Piolo at Iñigo ang nag-duet.
Kung ilang beses ng nagtanghal sa bansa ang Air Supply at itinuring na second home ang Pilipinas. Tiyak na proud si Papa P. sa bagong achievement ng anak.
Ang ALLOUT OF LOVE ay isa lamang sa mga awiting naka line at ipo-prodyus ng ABS-CBN Music for 2021. Magkakaroon ng collaborations both local at international at re-imagined versions na ilulunsad sa various labels.