Ni NORA V. CALDERON
MASAYA ang mahusay na character actress na si Nova Villa dahil bagong role ang kanyang gagampanan sa bagong serye niya sa GMA Network.

“Bago sa akin na gumanap na isang groovy lola sa Owe My Love, kuwento ni Nova sa isang interview. “Ako si Mema Eps sa upcoming GMA primetime series, na lola ni Sensen (Lovi Poe), minsan malambing, minsan daw naman ay memasabi lang sa mga ganap ng kanyang pamilya, lalo na pagdating sa pera.”
Ang “Owe My Love” ay kuwento ni Sensen Guipit na palaging gipit sa pera at ni Doc Migs Alcancia (Benjamin Alves) na doctor na ng medisina, doctor pa ng bulsa! Dahil sa pandemic magku-krus ang landas ng dalawa at magiging sandalan ni Sensen si Doc Migs, pagdating sa utang at sa pag-big.
Dito na ba papasok ang pagiging terror ni Mema Eps pagdating sa apong si Sensen? Ano kaya ang say ni Mema Eps sa relationship nina Sensen at Dr. Migs?
Abangan si Nova at iba pang artistang magpapasaya ng gabi natin sa “Owe My Love,” na magsisimula nang mapanood sa February 15 sa GMA Telebabad mula sa GMA Public Affairs, pagkatapos ng Love of my Life.