June 04, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Ungrateful daw?’ It’s Showtime contestant, nakuha gigil ng netizens dahil sa ₱30k cash prize

‘Ungrateful daw?’ It’s Showtime contestant, nakuha gigil ng netizens dahil sa ₱30k cash prize
Photo courtesy: ABS-CBN It's Showtime (YT screenshot)

Bukod sa halagang ₱30,000, nakuha rin ng isa sa It’s Showtime contestants noong Miyerkules, Hunyo 3, ang gigil ng netizens matapos niyang tanggapin ang prize money nang nakasimangot. 

Mapapanood sa “Laro Laro Pick” segment ng It’s Showtime na bagama’t mangiyak-ngiyak ang contestant na si Mutya, iniwasan niya ang tanong na magdadala sa kaniya sa pot prize na ₱200,000 at kapalit nito, nakuha niya ang li-pot consolation na ₱30,000.

“Malungkot ka ba sa treinta mil? Lagpas tatlong buwan mong suweldo ‘yan, ate,” panunutya ni It’s Showtime host Vice Ganda. 

Depensa ni Mutya, tinatayang ₱16,000 pa ang kinakailangan niyang bayaran sa kolehiyo ng kaniyang anak. 

“Ang sabi po kasi ng anak ko, ₱16,000 daw po ‘yung bawat practice niya pag sumasakay sa eroplano,” ani Mutya. 

Tsika at Intriga

Walang kuya si Kuya! Sir Geybin inulan ng suporta, dasal, at pagmamahal

Kaya pabirong saad ni Vice, “Ayan, trienta mil. Gusto mo ba kami na bumuhay sa pamilya mo? Di ka pa ba happy diyan? Mag-thank you ka man lang.” 

Sa pangungumbinsi ng iba pang It’s Showtime hosts na sina Ogie Alcasid, Kim Chiu, at Jackie Gonzaga, nagpasalamat si Mutya sa natanggap na consolation prize. 

Nang sinubukan naman pasagutin si Mutya sa pot question na “Second Best Rice in World” noong 2025, hindi niya ito nasagot.

Kaya sa pagtatapos ng segment, nakangiti nang tinanggap ni Mutya ang kaniyang consolation prize. 

Gayunman, hindi pinalagpas ng netizens ang tila pagiging “ungrateful” ni Mutya. 

“Nakakahiya ‘y[a]ng kalugar pa naman namin, ayaw pa ng 30k, gusto pa yatang dagdagan pa ni Vice, mahusay makiramdam si Vice kungsino ang karapatdapat tulungan, okay nanay”

“Ayaw nya pa noh eh ni piso ngayon di ka na makakapulot sa daan. To think na di nya pinili yung pot kung gusto sumugal sa mas malaki”

“D[i] marunong maging kontento kung ano bigay ng Diyos”

“Sakin na lang sana binigay ang 30k mag tatatalon ako sa tuwa”

“Hirap pag ungrateful ung tao kung ako yan 30k super saya ko na nyan”

“ganitong mga klaseng tao ang di pinagbibigyan di pa masaya at makuntento kung anu man ang binigay.”

“kabwiset mga ganyang tao 30k na tapos ayaw pa gusto ata nya mag babago buhay nya. Lahat tayo may pangangailangan pero dapat mag pasalamat padin sa lahat ng bagay na natatanggap natin.”

“hindi naman masasagot kung makaarte sa 30k jusko”