Ni GENALYN KABILING
Nasa masamang kalagayan ang lokal na ekonomiya ngunit sinusubukan ng gobyerno ang makakaya upang panatilihing nakalutang ang bansa, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi.
Sa isang pahayag sa telebisyon, inamin ng Pangulo na ang bansa ay palubig nang palubog, at ang bansa ay nawawalan ng P2 bilyon na kita dahil sa pandemya.
“The economy of the Philippines is really in bad shape but as I said it is not only the Philippines who suffers. We in the world is suffering with everybody,” sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati na inilabas sa state television.
“We are sinking deeper and deeper pero hindi lang tayo. Lahat. Pero we are trying our very best to keep us afloat,” dagda niya.