ni Bert de Guzman

Nais ng mga mambabatas na kabilang sa Makabayan bloc na imbestigahan ng gobyerno ang pagdami ng mga barkong Chinese na nagsasagawa ng illegal dredging activities sa karagatan na saklaw ng Pilipinas matapos mahuli ng Philippine Coast Guard ang isang barko ng China sa Bataan.

Inihayag ng PCG na naispatan ng magkasanib na mga tauhan ng PCG at Bureau of Customs ang Zhonhai 68, na kinilala nila bilang illegal vessel, may pitong nautical miles sa Orion Point, Bataan noong umaga ng Miyerkules, Enero 27, 2021.

Sa paghaharap ng isang resolusyon na may titulong “Resolution urging the House of Representatives, through the committee on natural resources, to conduct an investigation, in aid of legislation, on the proliferation of Chinese dredging ships conducting illegal dredging activities in the Philippines,” sinabi ng Makabayan bloc na ang nasabing barkong Chinese ay nahuli na rin na naghuhukay sa karagatan ng Pilipinas noon.

“This incident is not the first time Chinese-manned dredging ships were caught conducting illegal activities in the Philippines. Since 2017, there are several reports of illegal Chinese dredging activities in different parts of the country,” saad ng resolusyon. Ito umano ay kawalang-galang sa soberanya at integridad ng bansa.

44°C heat index, naitala sa 4 na lugar sa Luzon!

Ayon sa bloc, ang mga residente malapit sa lugar ay paulit-ulit nang nagpahayag ng pagkaalarma sa mga aktibidad ng Chinese vessels, na nagbubunga ng pagkasira ng kapaligiran at hanapbuhay ng mga tao roon.