ni Nitz Miralles
NAKITA na ni Heart Evangelista ang billboard ni Paolo Ballesteros bilang endorser ng Orocan at ginaya siya. Mula sa ayos ng buhok, make-up, damit, pagsasalita at kilos, ginaya ni Paolo si Heart at ang pangalan niya sa TVC ay “Miss Hurt.”
Pinost pa ni Heart sa kanyang IG Stories ang billboard ni Paolo at ang sabi, “Omg Orocan... don’t be “hurt” na.
Maganda ang tag line ng TVC, hindi raw ma-afford ng Orocan ang sikat na celebrity, kaya kumuha sila ng kamukha nito at si Miss Hurt nga iyon. Aliw ang TVC dahil pati ang walk-in closet ni Heart at ang bag collection niya ay ginaya ni Miss Hurt at kahilera ng mga branded bags, ang Orocan with three sizes.
Magkaibigan sina Heart at Paolo at hindi naman siguro ma-o-offend si Heart na ginaya siya ni Paolo na katuwaan lang. Siguradong si Paolo na rin ang nag-make up sa sarili niya dahil magaling siyang make-up artist.
In fact, may comment si Heart sa IG ni Paolo kung saan pinost nito ang photo niya bilang si Miss Hurt. Puro “ Hahahahahahahaha” ang comment ni Heart na ikinatuwa ng mga nakabasa