July 18, 2026

Home BALITA Politics

Mudra ni Kiko Barzaga, susubukan siyang palitan sa Kamara!

Mudra ni Kiko Barzaga, susubukan siyang palitan sa Kamara!
Photo courtesy: Jenny Barzaga/FB

Opisyal nang naghain ng certificate of candidacy (COC) si Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga, ina ni dating Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga—para sa special election na gaganapin sa nasabing distrito.

Nitong Biyernes, Hulyo 17, naghain ng kandidatura ang alkalde kung saan nakatakda niyang makatunggali ang apat pang mga kumandidato rin para sa naturang posisyon.

“Official filing of the Certificate of Candidacy for Member, House of Representatives of Cavite’s 4th Legislative District,” anang alkalde sa kaniyang Facebook post nito ring Biyernes.

Dagdag pa niya, “ With your trust and support, I remain committed to serving every 

Dasmarineño and continuing the progress of our beloved City of Dasmariñas.”

Politics

Kiko Barzaga, ieendorso ermat niya para sa special election sa Dasma!

Samantala, sa pamamagitan naman ng FB post, inihayag ni Kiko na ieendorso raw niya ang kaniyang ina para sa binakante niyang posisyon.

“I will endorse Mayor Jenny Barzaga for the Dasmariñas, Cavite Special Elections!” pahayag ni Kiko.

Bagama’t maaari pa rin siyang muling tumakbo para sa special election, nilinaw ni Kiko na magbabakasyon na lamang daw siya kaysa muling tumakbo.

“Tatakbo ako sa Special Elections, tapos dadayain lang naman ako! Sayang pera lang, magbabakasyon nalang ako kasama eababs habang binabagsak ng gobyerno ang Pilipinas!” ani Barzaga. 

KAUGNAY NA BALITA: Kiko Barzaga, mas bet magbakasyon kasama ‘eababs’ kaysa tumakbo sa special election!

Noong Hunyo 2 nang tuluyang na-expel sa Kamara si Barzaga matapos itong pagbotohan ng kapwa mga kongresista at nakakuha ng 265-14-8 na boto. 

Si Barzaga, na unang naupo bilang kongresista noong Hunyo 30, 2025 sa pagsisimula ng 20th Congress, ay nagsilbi nang halos 11 buwan bago tuluyang mapatalsik sa puwesto.