Tila nagpahaging si dating Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga hinggil sa paparating na special election sa naturang distrito sa Agosto.
Sa pamamagitan ng Facebook post nitong Biyernes, Hulyo 10, 2026, iginiit niyang tila sayang lang daw ang pera kung tatakbo pa siya sa naturang eleksyon dahil dadayain lamang umano siya.
“Tatakbo ako sa Special Elections, tapos dadayain lang naman ako! Sayang pera lang, magbabakasyon nalang ako kasama eababs habang binabagsak ng gobyerno ang Pilipinas!” ani Barzaga.
Sa Hulyo 15 na ang filling ng candidacy para sa ikaapat na distrito ng Cavite habang sa Agosto 29 naman ang nakatakdang halalan para sa posisyong binakante ni Barzaga matapos siyang tuluyang masipa sa Kamara.
KAUGNAY NA BALITA: Matapos masibak sa Kamara: Special election sa dating nasasakupan ni Congressmeow, may petsa na!
Kaugnay nito, nauna na nang umugong ang umano’y posibilidad na makaharap ni Barzaga ang kaniyang ina at mismong alkalde ng distrito na si Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga, kung sakaling mapagdesisyunan ni Kiko na muling magtangka sa posisyon sa Kamara.