July 21, 2026

Home FEATURES Trending

Mga dapat malaman ng mga manggagawa sa bagong ‘four-day workweek’ ng CSC

Mga dapat malaman ng mga manggagawa sa bagong ‘four-day workweek’ ng CSC
Photo courtesy: Unsplash

Nag-implementa ng bagong guideline ang Civil Service Commission (CSC) para sa “four-day compressed workweek” sa mga ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang pagmomodernisa ng pampublikong sektor at pagsasaalang-alang ng kapakanan ng mga manggagawa habang pinapanatili ang mahusay na serbisyo sa publiko. 

Batay sa pahayag ng CSC nitong Huwebes, Hulyo 16, sa updated policy na ito, maaari nang pagkasyahin ng mga empleyado ang kanilang mandatory 40-hour workweek sa apat na araw. 

Sa ilalim din ng polisiyang ito, maaari nang maglaan ng sariling oras ng pasok ang mga ahensya, gayundin ang paglalaan ng karagdagang day off, sa ilalim ng kondisyon na makokompleto ng mga empleyado ang kanilang 40-hour workweek at ang serbisyo sa publiko ay mananatiling bukas mula Lunes hanggang Biyernes. 

Ang bagong arrangement na ito ay extended sa frontline at on-site staff, sa ilalim din ng kondisyon na naaprubahan ito ng ahensya at hindi mawawalan ng staff sa face-to-face services. 

Hinggil naman sa leaves, nilinaw ng CSC na hindi mababawasan sa 40-day workweek ang benepisyo ng mga empleyado, at mananatiling maiipon ang kanilang standard monthly leave accruals ng 1.25 na mga araw para sa vacation at sick leave. 

Trending

‘Wag n'yo akong patayin!' Pakiusap ng isang rider, kinaantigan

Gayunman, sa ilalim ng updated policy, ang pagda-day off ay magbabawa ng 1.25 leave credit kada araw, kumpara sa nakasanayang isa (1) leave credit kada araw. 

Ang iba namang special leaves tulad ng Wellness Leave at Special Privilege Leave ay maaari pa ring magamit ng per-day basis. 

Kapag naman may partikular na holiday o suspension na naganap sa scheduled 10-hour workday, ang mga oras na ito ay kinokonsiderang “fully served” at hindi na kinakailangang bawiin ng mga empleyado, maliban na lamang sa mga maituturing na 24/7 essential frontline skeleton forces. 

Kung ang suspension o holiday naman ay tatama sa day off ng isang empleyado, ang mga natitirang araw ng pasok para sa linggong ito ay pansamantalang babalik sa standard eight-hour schedule. 

Kung ang suspension ay naideklara naman matapos ang nakumpletong 10-hour shift, ang mga oras na ito ay mananatiling valid. 

Ang resolusyong ito ay magiging epektibo simula sa Marso 6.