Halo-halo ang reaksiyon at komento ng mga netizen sa pagpapamigay ng actress-vlogger na si Ivana Alawi ng 100 piraso ng iPhone 17 sa kaniyang followers at supporters.
Sa post ni Ivana noong Hulyo 15, makikitang bumili si Ivana ng daan-daang kahon ng pinakabagong modelo ng iPhone. Ayon sa mga post na nag-viral, ang lahat ng 100 unit ng iPhone 17 ay ipamimigay niya sa mga mapipiling followers at supporters.
Dahil dito, umani ng matinding atensyon ang giveaway at mabilis na naging usap-usapan sa iba't ibang social media platforms. Kung bibisitahin ang post, umabot na nga sa million views ito, million reactions, at million comments. Grabe talaga!
Kahit ang mga celebrity, nakisakay na rin at nagbaka-sakaling baka mapansin ni Ivana, kagaya na lang ng Kapamilya singer at tinaguriang "Mowm" na si Klarisse De Guzman, na nakasama ni Ivana sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" season 1 kung saan pumasok si Ivana bilang house guest.
Hindi na rin bago para kay Ivana ang mamigay ng mamahaling regalo sa kanyang mga tagahanga. Noong 2025, naglaan din siya ng mahigit kalahating milyong piso para bumili ng mga smartphone na ipinamigay sa kanyang followers bilang bahagi ng kanyang online content at giveaways.
Si Ivana ay isa sa pinakamalalaking social media personalities sa bansa. Bukod sa kaniyang karera bilang aktres, mayroon siyang mahigit 20 milyong subscribers sa YouTube at milyon-milyong followers sa iba pang social media platforms.
Maki-Balita: Ivana Alawi, dinagsa dahil sa pamimigay ng 100 pirasong cellphones!
Sa kabilang banda, marami rin ang kumuwestyon sa ginagawa niya, dahil isa raw sa mga kinokonsidera para mapiling mabigyan, kailangan daw naka-follow sa ineendorso niyang "Casino Plus" na isang online gaming app.
"Lahat ng iPhone 17 na 'to ay ipapamigay para sa inyo. Also, gusto ko ring magpasalamat sa aking CP [Casino Plus] fam, kasi gusto talaga nilang maraming mabigyan, kaya tumulong sila," aniya.
"I'm so happy, all you have to do is follow their page, ilalagay ko diyan sa baba, make sure ma-follow mo sila kasi doon din tayo kukuha ng mga random followers na makakapag-uwi ng iPhone 17!" saad pa ni Ivana.
Samantala, narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens. May mga bumatikos at sumita sa kaniya subalit may mga nagtanggol din naman.
"Plot twist: Kelangan mong mag follow sa page ng Casino Plus. Yes po opo. Nag popromote si Ivana ng online sugal kaya sya namimigay ng iPhone17. Nakakalungkot how an established influencer is using her platform to promote online gambling. And joining her contest 'baka naman magka iPhone17' is helping her to promote online gambling at ma encourage pa sya to keep doing it. Malaki ang offers ng mga online gambling sa mga influencers, sa video na to… for sure it’s worth more than 100 iPhone 17."
"mag follow lang Peru di mag lalaro. HAHA Wala namn guro mawawala sayo kung e follow molang HAHA Malay mo sa pag follow mag ka iphone ka, ayaw mopa Yun?? walang ganun HAHA. nasasayo namn Yan kung gusto mo maging addict sa sugal."
"share ko rin thoughts ko kahit wala may pake hahahahaha. yung giveaway ni Ivana na iphone17 ay hindi lang iyan simpleng giveaway lang, marketing strategy nila yan para maagaw attention ng karamihan na lowkey pinopromote din ang online gambling. Wag natin i-normalize itong online g.ambling (no hate kay Ivana Alawi) hindi rin sa OA, kahit simpleng 'follow lang' sa page at kahit hindi ka magsugal ay parehas lang, you’re still supporting one way or another."
"Hi Ma'am Ivana Alawi ! Kahit anong kulay na available po sakin . Hehe Senya na guys. Pantay pantay tayo ngayon hehe. Pero kung gusto niyo rin ng Casing na nabili ko, check the shopee link. Mention niyo na din si Madam. Haha."
"Hahahahaha promotion ng online sugal hahaha."
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Ivana tungkol dito.