ni Nora V. Calderon

NAIIBA ang bagong reality game show ng GMA Network na Catch Me Out Philippines, ang popular UK original at first in Philippine entertainment.

Relasyon at Hiwalayan

Juday, na-fall noon sa ka-loveteam?

Dito, susundan ng viewers ang dalawang amateur contestants na nagkaroon ng intensive training ng kanilang mentors, ng iba’t ibangperformance na dapat nilang matutunan – na aakalain ng mga viewers and celebrity catchers na mga professional entertainers sila habang nagpi-perform sila kasabay ng mga actual experts. Ang impostor na mas pipiliin ng audience ang tatanghaling winner.

Si Jose Manalo, isa sa hosts, with Cacai Bautista at Derrick Monasterio, nagbahagi na ng kung ano ang maio-offer nila.

“Isa sa aabangan nila yung routine naming tatlo, kung gaano kami ka-relax sa isa’t isa. Sa GMA rin, thank you, kasi maganda ‘yung pagkaka-mix noong mga tao na pinili nila. Napakagaan katrabaho. At the same time, pag-iisipin ka talaga as a viewer. Ang ipinakikita rito sa show ay may mga tao pala na kayang turuan. ‘Yung parang akala nila “hindi ko kaya, pero kaya ko naman pala, na kapag sumayaw ako parang propesyonal na”. Sabi ko nga galing na ako sa maraming auditions at kapag sinalang ko nakikita kong may mali pa rin. Dito, halatang nanggaling sila sa napakalupit na training para gumalaw sila na kagaya noong mga kasabay nilang propesyonal.”

Mapapanood na ang Catch Me Out Philippines sa Pebrero 6, 7:15 PM, sa GMA-7, at Pebrero 7 sa GMA Pinoy TV.