SOBRANG aliw ang rebelasyon ni Barbie Forteza nang mag-guest sa TheBoobay and Tekla Show (TBATS) noong Sunday, January 24. May kinalaman sa kanyang love life ang mga inamin ng isa sa lead actress ng primetime series ng GMA-7 na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Una nitong nilinaw ang inamin niRuru Madridna binasted siya ni Barbie nang manligaw siya rito. Napanood ni Barbie ang interview kay Ruru at gustong depensahan ang sarili.

“Lilinawin ko lang po, kaya po nung time na ‘yung ay nabasted ko po ang kinauukulan dahil kagagaling ko lang po sa very painful relationship and so, ayaw ko naman siyang gawing rebound. Gusto ko siyang i-entertain sana kung ‘yung tapos na ako mag-move on, ‘yung okay na ako, ready na ako, wala na akong hinanakit, ganyan.”

'Sexy pero classy!' Janine Gutierrez, calendar girl na rin

Pero, sabi ni Barbie hindi naman siya pinursue ni Ruru. After niya itong bastedin, hindi na itinuloy ang panliligaw sa kanya. Kaya ang nangyari, siJak Robertoang naging boyfriend niya at si Ruru naman, siBianca Umaliang naging dyowa. Samantala, inaabangan na ang fresh episodes ngAnak ni Waray vs. Anak ni Bidaylalo na sa episode na malalaman na ng mag-inang Sussie (Dina Bonnevie) at Caitlyn (Kate Valdez) na half-sister ni Caitlyn si Ginalyn (Barbie) at parehong si Joaquin (Jay Manalo) ang kanilang ama.

-Nitz Miralles