Nag-viral sa social media ang ilang evangelist matapos silang magpunta at mangaral sa gitna ng ginanap na Pride March: Love Laban sa University of the Philippines (UP) Diliman sa Quezon City noong Sabado, Hunyo 27.
Sa Facebook posts ng nagngangalang "Evangelist Sis Ron," ibinahagi ng naturang mangangaral ang mga larawan at video ng kaniyang pangangaral sa harap ng mga dumalo sa taunang pagtitipon ng LGBTQIA+ community, habang may hawak na placard na magbalik-loob sa Diyos at talikuran ang mga "kasalanan."
Ayon sa kaniya, layunin niyang ipahayag ang ebanghelyo sa mga kalahok ng Pride March.
“Preaching the Gospel at LGBTQ PRIDE EVENTS at UP DILIMAN. This world needs Jesus. Grabe Lord, kahabagan Mo po ang kaluluwa ng mga taong naliligaw. May mga ayaw talaga sa Salita ng Diyos pero tuloy lang tayo,” anang evangelist.
Sa isa pang post, nanawagan siya sa mga Pilipino na magsisi umano sa kanilang mga kasalanan.
“Pilipinas, kailangan mo nang magsisi sa iyong mga kasalanan at baka ibuhos ng Diyos ang Kanyang poot at parusa dahil sa mga kasalanang ginagawa ng karamihan. Huwag nating kalabanin ang Diyos!” saad niya.
Hindi rin niya itinago ang kaniyang obserbasyon habang nangangaral sa mismong event.
Ayon sa kaniya, may ilang dumalo na sumasayaw sa kanilang harapan habang siya ay nagsasalita at mayroon ding mga naghahalikan.
“Ganito kaligaw ang mga taong ito. While preaching the Gospel, sumasayaw sila sa harapan namin, meron pang naghahalikan. That’s why Jesus will be coming back again soon, so very soon, to judge us according to what we do,” aniya.
Dagdag pa niya, “Pilipinas, gising at hanapin mo si Kristo. He can satisfy you and fulfill the void in your life. He can save you from hell.”
Ang Pride March ay taunang aktibidad na isinusulong ng LGBTQIA+ community at mga kaalyado nito upang ipanawagan ang pagkakapantay-pantay, inclusivity, at proteksiyon sa kanilang mga karapatan.
Sa kabila ng magkakaibang pananaw ng mga kalahok at ng evangelist, naging sentro ng usapan sa social media ang pangyayari, kung saan may mga netizen na nagpahayag ng suporta sa kaniyang panawagan sa pananampalataya, habang may ilan ding nagsabing dapat igalang ang layunin at espasyo ng naturang pagtitipon.
"Tama 'yan, ipahayag ang Salita ng Diyos. Nasabi na 'yan ni Jesus Christ sa Bible. Na talagang kukutyain ang mga magpapakalat ng salita Niya."
"May tamang oras at lugar para sa lahat. Respect goes both ways. If your way of celebrating is your faith, then do it with faith. If theirs is Pride, let them. You don’t prove your religion by shouting at people who are just celebrating. Shouting, judging, and disrespect? That’s not faith.That’s hate. At hindi ‘yon ang tinuturo ng totoong religion."
"Let them cherish the temporary happiness of expressing theirselves. Soon marerealize din nila kung ano ang totoong happiness of expression at iyon ang EXPRESSING OUR LOVE TO JESUS. Soon they will found out at sana hindi pa huli ang lahat."
"You can preach the bible but you do not even follow God's 3 simple things he needed us to follow 1. DO NOT JUDGE, for God is the only Almighty being who can judge us. 2. LOVE THY NEIGHBOR, love your neighbor even if he sinned, if he has a different religion, if he has a different belief. 3. RESPECT, respect begets respect. These people didn't step on you honestly, you step on them first."
"Hayaan ninyong magsipag saya sila sa laman...makikilala nila ang sa kanila'y lumikha sa huling araw ng kanilang kalakasan at sa sukdulang hirap ng pagkaratay. Save the Future! No to Swords and Symbals. Let's pray for our children."
"Respect begets respect. If you want to be respected, then you must respect them too. Respect goes both ways, not one way!"
Samantala, sa kabuuan ay naging mapayapa ang pagdaraos ng taunang Pride March.