GALIT ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez sa taong nagpakalat ng edited photo nila ni Maris Racal kung saan, makikitang topless ang dalawa, pero ang original picture, kumpleto ang suot nilang swimsuit.

Obvious na galit si Sue dahil in capslock ang post niya at sabi, “NAKAKADIRI KA, SALAHAT NG NAGSHARE NETO AT SADEMONYO SALUPANAGUMAWAAT NAG EDIT NG KABABUYAN NATO, NAKAKATAWABATO PARASAINYO!!!

Sa 8.1M followers ko, nakikiusap ako sa inyo. Tulungan niyo ako na matapos na ang kulturang ito. Kulturang bumababoy sa mga kababaihan. Kulturang MAPANIRA. Kulturang KASUKLAM-SUKLAM.

'Angel Locsin' nagpasalamat sa mga nakaka-miss na sa kaniya

THIS CAN HAPPEN TO ANYONE. Sa nakakaalam kung saan nagsimula ito, pls contact me through DM. Help me get to the bottom of this,

HINDI NATAMAITO. Masyado na kayong nawiwili sa mga panggagago niyo samin. AYOKO NANG MANAHIMIK. ABUSADO KAYO.”

Sa isa pang post, makikita ang original photo nina Sue at Maris at galit pa rin ang pahayag ni Sue.

“Repost ko lang ulit tong mga picture na to para hindi kayo NATATANGAsa fake news. Ewan ko ba kung anong dahilan at pinuputakte niyo kami ng ganito. Wag ko lang mahanap ang nagpapakalat ng kung ano-anong katarantaduhan na to. Ayoko na sanang magsalita pero ginagambala niyo ang katahimikan ng buhay ko. Umayos kayo. AT WAG TANGAPLS. Wag basta bastang naniniwala sa mga nakikita online, HINDI KAYO PINALAKING UTO UTO. Pls. lang.

Sumosobra na kayo. Sa mga nakakatanggap ng picture, siguro naman may delikadesa at respeto kayo enough to know na dapat hindi kumalat pa ang PAMBABABOY na ito.”

May mga nagpayo kay Sue na idemanda kung sinuman ang nasa likod nang pag-i-edit ng photo nila ni Maris kapag nahanap na para matuto at para hindi na ulitin sa iba ang ginawa nito.

-Nitz Miralles