Nakaladkad ang pangalan ni Sen. Robin Padilla sa weekly finals ng popular hit segment ng “It’s Showtime” na “Miss Q and A” matapos siyang banggitin ng isa sa mga contestant nito.
Sa latest episode kasi ng nasabing noontime show nitong Sabado, Hulyo 25, nabunot ng contestant number 3 ang tanong na “Kung ikaw si Batman, kakampihan mo ba si Robin ‘pag nag-away sila ni Darna?”
Bago tuluyang sumagot ang contestant, nagbigay muna ng disclaimer si Unkabogable Star Vice Ganda.
“The views and opinions of the candidate do not necessarily reflect the views and opinions of the show, the host, the management, and the company,” pasubali ni Vice.
Matapos ito, sumagot na ang kalahok.
Aniya, “I believe madlang people kung ako po ang magiging Batman, definitely kakampihan ko si Darna sa laban nila ni Robin Padilla—”
“Sorry, sorry,” putol ni Vice. “Si Robin lang ang tinutukoy.“
Sa pagkakataong ito, muling binanggit ni Vice ang disclaimer saka pinagpatuloy ang pagsagot ng contestant.
Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa namang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang kampo ni Sen. Robin hinggil dito.
Matatandaang sa Instagram post ni Angel kamakailan, naglabas siya ng sentimyento sa pag-amin ni Sen. Robin hinggil sa pagiging komunista nito.
“Ang tanong ko lang, nasaan ka nung panahong nirered-tag ako kahit alam mong hindi totoo? Actually, kasama mo pa nga at kachikahan yung mga nangre-red-tag. Naghugas-kamay at pumikit sa katotohanan,” saad ni Angel.
Ngunit mas pinili na lang umano ng senador na intindihin ang kaibigang aktres dahil baka may pinagdadaaanan.
KAUGNAY NA BALITA: Angel sa pagiging 'komunista' ni Robin: 'Nasaan ka nung panahong nirered-tag ako?'