KUWELA ang paandar ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) ng GMA-7 sa recent episode nitong Linggo dahil guest nila ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday star na si Barbie Forteza. Game sumagot ang aktres sa kanilang segment na “May Pa-Presscon.”
May aliw factor ang bawat banat na tanong nila Boobay and Tekla kay Barbie. Knowing Barbie na may pagkakikay rin ito kung sumagot. Kaya naman hagalpakan ng tawa kasama ng mga iba pang komedyante ng show. Walang kaabog-abog na sinagot ni Barbie ng “Yes!” nang tanungin siya ni Boobay na kung si Jak Roberto na ba ang kanyang pakakasalan. Ano naman kaya ang sey ng kanyang BF na si Jak? Kailangan pa bang i-memorize yan? Ofcourse nasa cloud nine ang aktor sa sobrang saya. E, kailan naman kaya ang kasal? Well, yan ang ating aabangan.
Hangad naman ni Barbie ang isang garden wedding na hindi raw gaanong magarbo with her family and close friends. Giit niya doon daw siya sa mas tipid. Sa pagbuo ng pamilya mas gugustuhin daw niya ang dalawang anak lamang. Ibinahagi rin ni Barbie na nagkaroon daw dalawang GF si Jak from showbiz. Tawang-tawa siya nang sinabi niyang siya ang pinakamaganda among them all.
Nagpaliwanag si Barbie nang tanungin siya ukol sa pagbasted niya noon kay Ruru Madrid. Sey niya, “Magkaibigan na naman kami e, yes. Lilinawin ko lang po kaya po nung time na iyon ay nabasted ko po ang kinauukulan (Ruru Madrid) ay dahil kagagaling ko lang po sa very painful relationship. Ayoko naman siyang gawing rebound. Alam mo yun, gusto ko sana siyang i-entertain sana kung tapos na akong mag-move on, yung ok na ako. Kaya lang kasi hindi naman niya pinursue. Noong binasted ko siya, yun na yun wala na.
Feeling daw ni Barbie mukha raw siyang nakarma sa pagkakabasted niya noon kay Ruru dahil nung ok na ang puso niya naging crush naman niya ang Kapuso actor na siAndre Paras. Yun nga lang hindi naman daw siya ang type nito. Ok lang yun atleast ngayon may Jak na si Barbie, ang kanyang forever. Yun na!