July 15, 2026

Home BALITA National

'No brainer:' Ridon, tumirada sa cross-exam ng defense kay Lotoc!

'No brainer:' Ridon, tumirada sa cross-exam ng defense kay Lotoc!
Photo courtesy: File Photo, Senate of the Philippines

Pumatutsada ang House Prosecutor na si Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon sa tila ‘no brainer’ umano na pagko-cross-examination ng defense counsel sa witness ng prosecution na si National Bureau of Investigation (NBI) Regional Director Atty. Jeremy Lotoc sa Senate impeachment trial noong Lunes, Hulyo 13, 2026. 

Sa naging pahayag ni Ridon sa ikinasa nilang press conference nitong Martes, Hulyo 14, sinabi niyang nakakatawa raw ang pagtatanong ng defense team kay Lotoc at nagmistula raw “no brainer” o walang laman ang cross-examination ng kabilang panig sa witness ng prosecution. 

“Nakakatawa po ‘yong mga tanungan. Sa totoo lang, parang mga no brainer ‘yong tanong noong cross-examination,” pagsisimula niya.

Ani Ridon, literal naman daw na may kapangyarihan ang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa mga ahensya ng NBI at Department of Justice (DOJ) dahil nasa ilalim daw ang mga ito ng executive department. 

“Una, ‘yong pagtatanong po doon sa control of the Office of the President over the NBI and the DOJ. Parang talaga naman, hindi ho ba? Kasi it is within the executive department,” aniya. 

National

Ridon sa defense sa pagbubukas ng tax records ni VP Sara: 'Kung takot... baka may tinatago!'

Diin ni Ridon, tila raw gustong palabasin ng defense na nakikialam si PBBM sa DOJ at NBI samantala raw na hawak talaga ng Pangulo ang mga naturang ahensya. 

“Pero ang gustong ipakita noon ay pinakikialaman ng Office of the President, ‘yong trabaho ng DOJ [ay] pinakikialaman ng Office of the President, ‘yong trabaho ng NBI,” ‘ika niya. 

Pagpapatuloy ni Ridon, malinaw naman daw na sinaad din ng testigo na si Lotoc na may subsequent submission na naganap sa DOJ at NBI dahil hindi para kumpleto ang mga dokumento sa imbestigasyon ng huling nabanggit na ebidensya, kaugnay sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte sa buhay ng Pangulo at iba pa. 

“Pero malinaw naman ‘yong sagot ni Atty. Lotoc. ‘Yong back-and-fourth ng documentation from the DOJ to the NBI. Ang sabi ng DOJ, ‘May kulang ‘yan, isoli n’yo, ayusin n’yo.’ Inayos nila [ng NBI]. Merong subsequent submission to the DOJ,” saad niya. 

“Basically, ‘yong objectives of cross relating to that na parang inutusan ng Pangulo. Ang tawag pa nga ni Atty. Vinluan doon, ‘Kay BBM.’ Pagpapakita talaga iyon na they are basically grasping at straws and conducting ng cross,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon ang kabilang panig kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Impeachment complaint, ‘di suportado ng ebidensya—VP Sara