July 16, 2026

Home BALITA Politics

Impeachment complaint, ‘di suportado ng ebidensya—VP Sara

Impeachment complaint, ‘di suportado ng ebidensya—VP Sara
Photo Courtesy: MB File Photo

Naglabas ng pahayag si Vice President Sara Duterte kaugnay sa ikaapat na araw ng impeachment trial laban sa kaniya noong Lunes, Hulyo 13.

Sa pahayag na inilabas ni VP Sara sa kaniyang Facebook page nitong Martes, Hulyo 14, sinabi niyang nasaksihan umano ng mga Pilipino ang matagal na niyang sinasabi hinggil sa complaint laban sa kaniya. 

“On Day 4 of the impeachment trial, the country witnessed what I have been saying all along: the complaint is not supported by evidence,” saad ni VP Sara.

Dagdag pa niya, “Repeatedly claiming that there were threats when none existed, inventing an assassin where there was none, and fabricating evidence to support those claims does not transform fiction into fact.” 

Ayon sa Bise Presidente, sinisira lang umano ng ganitong hakbang ang integridad ng mga pampublikong institusyon at ang tiwala ng taumbayan. 

Politics

'Ilalaban ko na ito!' Sen. Alan, haharapin isyu ng 2019 SEA Games laban sa kaniya

Sa huli, iginiit ni VP Sara na ang impeachment proceeding ay dapat nakatuntong sa mga mapagkakatiwalaang ebidensya at hindi sa espekulasyon at gawa-gawang naratibo.

"The rule of law depends on facts, not fiction. Thank you," pahabol pa niya. 

Matatandaang sa isang panayam kay dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo, matapos ang ikaapat na araw ng trial noong Lunes, sinabi niyang hindi umano naging malalim ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kaugnay ito sa umano’y pagbabanta ni VP Sara sa buhay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Maki-Balita: Panelo, kinudang 'di malalim' imbestigasyon ng NBI vs VP Sara!