“NOPE” ang sagot ni KC Montero sa comment ng netizens na malapit na ring mawala ang noontime show na Lunch Out Loud o LOL kung saan isa si KC sa host. Sabi pa ng TV host, “We’re taping as you tweet” at sa pamimilit ng iba na susunod na ang LOL na mawawala sa Sunday Noontime Live o SNL sagot ni KC,

kc

“Nope.. we’re doing just fine. Back to normal on Monday.”

Ayaw nga lang maniwala ng netizens sa sagot ni KC na hindi mawawala sa ere ang LOL maghintay-hintay lang daw si KC ng ilang araw at matsutsugi na rin ang show.

'Sexy pero classy!' Janine Gutierrez, calendar girl na rin

Sa interview kay Mr. Albee Benitez, nabanggit na three times mura ang budget ng LOL kesa sa natsuging SNL na sa talent fee pa lang nina Piolo Pascual, Maja Salvador, at Catriona Gray, milyon na ang inabot every Sunday. Saka, six months ang kontrata ng Brightlight Productions sa TV5 at kung susundin ang kontratang ‘yun, hanggang March 2021 pa ang LOL.

Unless, hindi na makaya ng Brightlight Productions ang budget lalo na at everyday ang show at malalaki rin ang kasamang hosts ni KC kabilang si Billy Crawford at magdesisyon na ring itigil na ang show.

Bukod sa LOL, umeere pa rin ang Rated Korina ni Korina Sanchez at Oh, My Daddy ni Ian Veneracion. Sana naman, pasukin ng ads ang shows at mag-rate para na rin kay Mr. Albee.

-NITZ MIRALLES