Hindi raw totoong nag-walk out ang defense lead counsel na si Atty. Sheila Sison habang sinasagot ni Atty. Amando Ligutan ng prosecutor team ang tanong ni Senator-Judge Risa Hontiveros, sa ikalawang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Martes, Hulyo 7.
Habang sinasagot ni Ligutan ang tanong ni Hontiveros kung impeachable offense na bang maituturing ang umano'y grave threats ni VP Sara laban kina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., First Lady Liza Marcos, at Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez, tila nawala sa kaniyang sinasabi ang abogado at sinita ang umano'y pag-walkout ng defense lead counsel.
"I think, Atty. Sheila Sison is making a scene," sita ni Atty. Ligutan.
Binanggit naman ni Atty. Ligutan na nang masita niya si Atty Sison, agad naman itong bumalik.
Sa isinagawang media conference ng spokesperson ng defense team na si Atty. Michael Poa, nilinaw niyang hindi totoong nag-walkout si Atty. Sison, kundi nag-toilet break lang.
"Kailangan lang niyang mag-toilet break, kahit ako naman kanina, dalawang beses ako o tatlong beses pa nga yatang lumabas," paliwanag niya.
"She was really on her way out, tapos no'ng nasabing nag-walk out siya, narinig yata niya, so bumalik siya at sinabi niya 'No, I'm still here, I just need to go to the toilet," dagdag pa.