July 08, 2026

Home BALITA National

Gitgitan ulit? Sen. Pia Cayetano, sinita si Sen. Risa Hontiveros dahil sa tanong sa prosecutor

Gitgitan ulit? Sen. Pia Cayetano, sinita si Sen. Risa Hontiveros dahil sa tanong sa prosecutor
Photo courtesy: Screenshots from Senate of the Philippines (FB)

Muling nagkaroon ng tensyon sa pagitan nina Senator-Judge Risa Hontiveros at Senator-Judge Pia Cayetano matapos magtanong ang una sa prosecutor na si Atty. Amando Ligutan, kung "impeachable offense" bang maituturing ang umano'y grave threats ni Vice President Sara Duterte laban kina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., First Lady Liza Marcos, at Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez.

"Why are these acts impeachable?" tanong ni Hontiveros kay Ligutan, na siyang prosecutor para sa ikaapat na article of impeachment ng Pangalawang Pangulo, na nilitis nitong Martes, Hulyo 7, ikalawang araw ng impeachment trial.

Nagbigay naman ng sagot ang prosecutor na wala pa raw Bise Presidente sa kasaysayan ng Pilipinas na kukuha ng "assassin" at magbabanta sa buhay ng iba, lalo na sa matataas na opisyal ng pamahalaan.

Dito na umentra si Cayetano para sa kaniyang manipetasyon at sinita ang naging pagsagot ni Ligutan na nag-ugat sa tanong ni Hontiveros. Katwiran ni Cayetano, tila naging "closing statement" na raw ang mga naging pahayag ng abogado dahil sa mga tanong ng kapwa senator-judge.

Nanawagan naman si Cayetano sa presiding officer na si Sen. Chiz Escudero kung nakagagawa na ng pagkakamali ang mga senator-judges.

National

Paliwanag ng SC sa photocopy ng dokumento bilang ebidensya sa korte, muling kinalkal

"I would just like to manifest my support for the statement and observation of the presiding officer, that was like a closing statement, Mr. President," aniya.

Paliwanag pa ni Cayetano, para daw na-shortcut na ang proseso, kaya dapat daw i-admonish ng presiding officer kung hindi na tama ang mga senator-judges sa kanilang mga tanong.

"I don't want this to happen again," pagdidiin pa ni Cayetano.

Sumang-ayon naman sa mosyon ni Cayetano ang defense counsel na si Atty. Carlo Narvasa, subalit sumagot si Escudero ng "no need."

Nilinaw naman ni Hontiveros na pumapayag siya sa alinmang ruling na pagtanggal sa record ng mga naging tanong niya sa prosecutor at sa naging sagot nito.

"For clarity Mr. Presiding Officer, my question po had to do with how the evidence is material to the allegations in the articles of impeachment. Kasi nga po, hindi naman napapatunayan na the Vice President actually sought an assassin. I wanted to appreciate the evidence before me, in light with the articles of impeachment. If you wish to strike out the response of the prosecutor, then so be it... but for clarity, again, my intention was not to provoke a closing statement," paliwanag ng senator-judges.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na sinita ni Cayetano si Hontiveros, subalit habang nasa plenary session naman sila, sa kasagsagan ng chaos na nangyari sa Senado, kaugnay sa umano'y tangkang pagdakip kay Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa noong Mayo.

Maki-Balita: Sen. Pia Cayetano: 'Kumusta na po kayong lahat?'