Sinakyan na rin ni Sen. Pia Cayetano ang pag-trend ng kaniyang naging emosyonal na reaksyon sa naging privilege speech ni Sen. Risa Hontiveros kamakailan, kung saan nanawagan ang huli sa liderato ng Senado na huwag ipagwalang-bahala ang naganap na shoot out sa pasilidad.
“Balita ko, trending na raw po ang ‘kumusta ka?’ Kaya ako ang magtatanong sa bawat isa sa inyo, ‘kumusta ka?’ pagbati ni Cayetano sa inilaan niyang higit 18 minuto sa isang Facebook live noong gabi ng Biyernes, Mayo 22.
“There’s some life lessons I would like to share with all of you. It’s important that you surround yourselves with people you entrust, with people we know who care about us. And if there are misunderstandings, sabihin n’yo,” aniya pa.
Saad din ni Cayetano, mahalagang iparamdam sa mga tao sa paligid ang pagmamahal at pagpapakita ng nadarama, gayundin ang pag-move on mula sa sama ng loob.
“I have to say, it’s important that your loved ones know that you’re there for them. Ikaw din, for some other reason, wag mong dibdibin, ilabas n’yo then move on ka na. There is nothing wrong [with] experiencing different emotions. We’re human beings,” payo ng Senadora.
Sa nasabi ring live, muling binalikan ni Cayetano ang kanilang naging karanasan sa naging kaguluhan sa senado at ang naramdama niya matapos niyang malaman na umano’y walang nangumusta sa kanilang mga naiwan sa pasilidad matapos nito.
“Noong nandoon po ako sa Senate, nabanggit ko na ‘wala man lang nangumusta sa amin.’ Nagputukan na, may barilan nang naganap all over us, not just me, but also most of our staff and the Senate employees,” aniya.
“Nangyari po ‘yong event na ‘yon around 8:00 [PM]. Nung mag-aalas diyes na, tapos na, mga 9:45 [PM], 9:50 [PM], if I’m not mistaken. Medyo kumalma na kami kasi wala nang putukan, na-clear na ‘yong area. Sabi ko sa mga kasama kom including Sen. Camille Villar, ‘uy, alam ba ng mga kasamahan natin kung anong nangyari dito? Yung mga wala dito, alam ba nila? May message ba sila sa GC natin?’ Tas tinignan ni Camille, sabi niya, ‘wala.’ Sabi ko, “ha? Hindi man lang nila tayo kinumusta?’ Sabi ko, ‘Camille, lagay mo diyan, ICYMI, buhay pa po kami.’ Nilagay ni Camille, ‘Hi. We’re okay,’” kuwento ng Senadora.
“Siyempre, yung mga mismong kasama namin, expected din namin kumustahin kami. Normal ‘yon,” dagdag pa niya.
Gayunman, ibinahagi ni Cayetano na lubos niyang na-appreciate ang mga kasamahang lumapit matapos ang kaniyang naging emosyonal na talumpati sa plenary session noong Biyernes, Mayo 20.
MAKI-BALITA: Sen. Pia, pinasalamatan mga kapuwa senador na nag-alala
Matatandaang pinabulaanan ng iba pang senador ang umano’y hindi pangungumusta dahil ayon kay Sen. Erwin Tulfo, ilan sa mga nagpadala ng kanilang pangungumusta sa chat group sa “WhatsApp” ay sina Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Bam Aquino, Sen. Risa Hontiveros, at Sen. Win Gatchalian.
MAKI-BALITA: Hindi nabasa ni Sen. Pia? Sen. Erwin, iginiit na nangumusta sila sa 'gc' noong Senate shooting
KAUGNAY NA BALITA: Sey mo, Sen. Pia? Screenshots ng pangungumusta ng ilang mga senador sa gc, kalat na!
Aminado naman si Sen. Ping Lacson na isa siya sa mga hindi raw nangumusta matapos ang naging shoot-out sa Senado dahil binura at umalis na raw siya sa kanilang group chat matapos mabuwag ang kanilang paksyon na naging dahilan upang mapunta siya sa minority bloc.
MAKI-BALITA: Sen. Ping aminadong 'di nangumusta; nag-leave na raw sa 'gc' ng Senado!
KAUGNAY NA BALITA: 'Paano kukumustahin?' Sen. Ping, may pasaring sa pagkakape, kainan, FB live ng majority bloc noong Senate shoot-out