May 22, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Ping aminadong 'di nangumusta; nag-leave na raw sa 'gc' ng Senado!

Sen. Ping aminadong 'di nangumusta; nag-leave na raw sa 'gc' ng Senado!
Photo courtesy: via Senate of the Philippines

Aminado si Sen. Ping Lacson na isa umano siya sa mga dating miyembro ng majority bloc na hindi raw nangumusta nang mangyari ang Senate shoot-out noong Mayo 13, 2026.

Sa kaniyang pahayag nitong Biyernes, Mayo 22, iginiit niyang binura at umalis na raw sila sa kanilang group chat sa isang messaging app magmula nang nagkaroon ng Senate coup noong Mayo 11 na nagresulta sa pagkabuwag ng kanilang paksyon at dahilan ng pagkapunta niya sa minority bloc.

“Isa ako roon sa hindi nangumusta,” ani Lacson sa isang radio interview.

Paliwanag pa niya, “In the first place na nagpalit ng liderato sa Senado, nag-leave and delete na ako roon sa 20th Congress na chat group.”

Matatandaang noong Miyerkules, Mayo 20 nang naging emosyonal si Sen. Pia Cayetano hinggil sa naging privilege speech ni Sen. Risa Hontiveros sa nangyaring barilan sa loob ng Senado. 

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

Si Cayetano ay kabilang sa bagong majority bloc na naiwan noon sa loob ng Senado sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Office of Sergeant-At-Arms (OSAA) at pinaniniwalaang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa ambang pag-aresto kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

“Wala ni-isa sa inyong nangumusta sa ’min!” pahayag ni Cayetano. 

Kaugnay nito, noong Huwebes din nang magkomento siya naturang isyu ni Sen. Pia sa hindi nila pangungumusta at tila nag-iwan ng pahaging.

“Paano mo ba naman kukumustahin ang mga masasayang nagkakainan, nagkakape, at naka-FB live pa para pagbintangan ang minority bloc na may alam daw sa putukan ng baril sa Senado?” ani Lacson. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Paano kukumustahin?' Sen. Ping, may pasaring sa pagkakape, kainan, FB live ng majority bloc noong Senate shoot-out

Nagpahayag din ng pagdepensa si Sen. Erwin Tulfo noong Huwebes at nilinaw na ilan sa kanila na mga dating miyembro ng minority bloc ang nangumusta sa kanilang “gc” habang nangyayari ang insidente.

“‘Yong kaniyang emosyon po ay siguro po dala po ng takot, pero nung sinabi niya po na wala pong nangumusta, mayro'n po kaming ika nga, chat group po sa WhatsApp,” ayon kay Tulfo. 

Dagdag pa niya, kabilang sa mga nagpadala ng mensahe mula sa dating majority bloc sina Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Bam Aquino, Sen. Risa Hontiveros, at Sen. Win Gatchalian. 

KAUGNAY NA BALITA: Hindi nabasa ni Sen. Pia? Sen. Erwin, iginiit na nangumusta sila sa 'gc' noong Senate shooting