May 22, 2026

Home BALITA

Sen. Pia, pinasalamatan mga kapuwa senador na nag-alala

Sen. Pia, pinasalamatan mga kapuwa senador na nag-alala
Photo Courtesy: Screenshot from Pia Cayetano, Senate of the Philippines (FB)

Nagpaabot ng pasasalamat si Sen. Pia Cayetano sa mga kapuwa niya senador na nag-alala sa kaniya matapos siyang maging emosyunal sa ginanap na plenary session ng Senado noong Mayo 20.

Sa Facebook Live ni Sen. Pia nitong Biyernes, Mayo 22, sinabi niyang na-appreciate umano niya ang mga kabarong senador na lumapit sa kaniya at nag-alala matapos ang kaniyang madamdaming talumpati.

“I want you all to know na after my speech, ang dami sa kanilang lumapit sa akin kasi friends po talaga kami. Imagine, magkakaklase kayo. Nagdedebate kami. Minsan, nag-aaway kayo do'n sa floor. But a lot of us have been friends,” saad ni Sen. Pia.

Dagdag pa niya, “I really appreciate you guys who approach me. Nag-show kayo ng concern sa akin. And sinabi n'yo nga na nag-alala kayo sa akin. And you what, guys? Wala na sa akin 'to. Gano'n naman ako, e. Wala naman akong mapapala na ikasama ng loob ko.”

Nag-ugat ang madamdaming talumpati ni Sen. Pia sa binigkas na privilege speech ni Sen. Risa Hontiveros na nanawagang huwag dedmahin ang nangyaring Senate shooting incident noong Mayo 13.

Sen. Lacson, bet nang layasan ang Senado

Kabilang sa mga hinimutok ni Sen. Pia ay ang kawalan umano ng pangangumusta ng mga kabaro niya sa kanilang mga miyembro ng Senate majority bloc na inabutan noon ng putukan.

Ngunit batay sa kumalat na screenshot mula sa group chat ng mga senador, mababasang nagpadala ng mensahe ang ilang miyembro ng Senate minority bloc para magpaalala na mag-ingat.

Maki-Balita: Sey mo, Sen. Pia? Screenshots ng pangungumusta ng ilang mga senador sa gc, kalat na!