HUMANGA at nagpasalamat si Pauline Mendoza at mga co-stars nila sa Babawiin Ko Ang Lahat kay Kristoffer Martin na naging susi raw nila para maging mas matibay at close ang samahan nila sa isa’t isa sa lock-in taping nila sa Batangas.

kristoffer martin

“Nakita ko kay Kuya Tuntun (Kristoffer) ang dedikasyon niya bilang actor sa kanyang trabaho,” wika ni Pauline, ang bida ng serye. “Yung experience ko po with him, he’s an actor, very professional talaga siya sa craft niya. Hindi lang in real life, pati rin bilang magaling na actor. Happy ako kasi hindi ko lang siya nakilala bilang isang magaling na artista, nakilala ko rin siya, on who he is really as a person.”

Agree naman kay Pauline ang kanilang mga kasama sa serye na sina Dave Bornea, Therese Malvar, Liezel Lopez, at Manolo Pedrosa dahil hindi raw pinaramdam ni Kristoffer na mas lamang siya sa kanila, kahit matagal na siya sa industriya.”

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Mapapanood na ang “Babawiin Ko Ang Lahat” ngayong Pebrero na sa GMA Afternoon Prime.

-NORA V. CALDERON