NANAIG ang Laguna Heroes sa Olongapo Rainbow Team 7, 18-3, nitong Sabado sa All Filipino Conference ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) sa online tournament sa lichess platform.

Sina Arizona, USA based Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr., ang two-time Asian Junior Champion na nag celebrate ng kanyang 49th Birthday nitong Sabado at si Fide Master Austin Jacob Literatus, isa sa fastest player sa bansa ay dinaig sina Joshua Bautista at National Master Gefer Imbuido, pareho sa blitz at rapid sa upper boards para makopo ang ika-3 panalo ng Laguna Heroes sa limang laro.

Sa iba pang kaganapan, giniba ni Woman National Master Jean Karen Enriquez si Judith Pineda sa board three (female), wagi si National Master Efren Bagamasbad kay Edimar Eje sa board four (senior), kinaldag ni Grandmaster John Paul Gomez si Conrad Corre sa board five (homegrown) at ginupo ni Kimuel Aaron Lorenzo si Lou Anton Rivera sa board seven (homegrown).

Namayani naman si Dale Pradas kay Vince Angelo Medina sa board six (homegrown) para iligtas ang Olongapo Rainbow Team 7 sa possible shut-out loss sa rapid competition. Si Pineda, naman ang tumalo kay Enriquez, ang bukod tanging score ng Olongapo Rainbow Team 7 sa blitz event.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang torneong ito ay sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB) sa gabay ni Chairman Abraham “Baham” Mitra at suportado ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Chairman/President Rep. Prospero “Butch” Pichay Jr.