May 25, 2026

Home SPORTS

Mga atletang makakasungkit ng medalya sa Palarong Pambansa, may cash incentives na!—PBBM

Mga atletang makakasungkit ng medalya sa Palarong Pambansa, may cash incentives na!—PBBM
PHOTO COURTESY: VIA MB, VIA AGUSAN DEL SUR (FB)

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na sa unang pagkakataon ay makakatanggap na ng cash incentives mula sa Philippine Sports Commission (PSC) ang mga atletang makapag-uuwi ng medalya mula sa Palarong Pambansa. 

"Masaya akong ibalita sa inyo, sa kauna-unahang pagkakataon maglalaan ang Philippine Sports Commission ng incentive para sa mga medalista sa regular sports at para games bilang pagkilala sa inyong husay," ani PBBM.

Matatandaang pawang ang Department of Education (DepEd) lamang at mga local government unit (LGUs) ang nagbibigay ng cash rewards sa mga estudyanteng kalahok ng Palarong Pambansa sa tuwing sila ay nagkakamit ng mga parangal sa nasabing torneo.

Noong Linggo, Mayo 24, opisyal nang binuksan ang ika-66 taong edisyon ng Palarong Pambansa na ginaganap sa Agusan del Sur at magtatagal hanggang sa Mayo 31.

Binubuo ng 20 regional teams ang Palarong Pambansa na may kabuuang tinatayang 13,000 mga manlalaro ang kalahok nitong 2026.

Brandon Clarke ng Memphis, pumanaw sa edad na 29!

Bagama't hindi nakapunta si PBBM sa opening ceremony ng isa sa pinakamalaking sporting events sa bansa, kinatawan siya ni Special Assistant to the President Antonio Lagdameo at ipinagmalaki niyang umabot na umano sa mahigit 6,000 paaralan ang naabutan ng pamahalaan ng tulong upang magkaroon ng sports equipment at supplies mula 2022 hanggang 2025.

Samantala, ayon sa kasalukuyang medal tally, nasungkit ng Eastern Visayas ang kauna-unahang gold medal sa sa 2026 Palarong Pambansa matapos dominahin ni Chrissia Tajaros ang 3,000 meters athletics event sa girls division.