PINURI ng Kapamilya fans si Anne Curtis dahil sa pahayag nitong hindi niya kailanman iiwan ang It’s Showtime. May nagtanong kasi sa kanya kung babalik pa siya sa noontime show ng ABS-CBN na kanyang sinagot.

anne

“Good Morning! As I told my Showtime family during a private conversation. I will never leave It’s Showtime. Been with them sice day 1 and will be with them until the day comes that the show has to say goodbye, But for now, mummy duties lang ako,” pahayag ni Anne.

Nasa Australia ngayon si Anne, ang asawa niyang si Erwan Heussaff at ang baby nilang si Dahlia Amelie, hindi pa sila nakababalik ng bansa mula nang umalis Dahil sa Australia isinilang ni Anne ang almost one-year-old na si Dahlia. Hindi na sila nakabalik dahil naabutan ng lockdown dala ng COVID-19 pandemic.

Teleserye

Jodi Sta. Maria, inaming 'di siya ang first choice sa 'Be Careful with my Heart'

May one year na sa Australia sina Anne, ang asawa niyang si Erwan at ang daughter nilang si Dahlia at mukhang matatagalan pa sila roon dahil may COVID-19 pa rin sa doon at pati na dito sa Pilipinas.

Nangako ang viewers ng It’s Showtime na hihintayin nila ang pagbabalik ni Anne sa show kahit matatagalan. Naiintindihan nila na priority ng aktres ang kaligtasan ng kaniyang pamilya.

-NITZ MIRALLES