July 09, 2026

Home SHOWBIZ Pelikula

Judy Ann Santos, gaganap bilang Nora Aunor

Judy Ann Santos, gaganap bilang Nora Aunor
Photo Courtesy: Judy Ann Santos (IG), NCCA (FB)

Mapapabilang ang binansagang “Reyna ng Soap Opera” na si Judy Ann Santos sa upcoming biopic na “Bernal” ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee.

Ayon sa inilabas na ulat ng SINEGANG.ph noong Sabado, Hulyo 4, gagampanan ni Judy Ann ang karakter ng pumanaw na si Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor.

Samantala, ang aktor namang si Jericho Rosales ang gaganap bilang si National Artist for Cinema Ishmael Bernal.

Makakasama rin nila rito ang iba pang artista tulad nina Iza Calzado, Atom Araullo, Rita Gomez, at John Lapus.

Kaya naman gayon na lang ang pananabik ni Ricky para sa nasabing proyekto.

Pelikula

1st batch ng 2026 MMFF entries, pinangalanan na!

Aniya, “Very excited ako na finally itong matagal ko nang binalak na material o script ay matutuloy na.”

Matatandaang nagkatrabaho sina Ricky at Ishmael sa mga pelikulang “Himala,” “Manila By Night,” “Relaasyon,” at iba pa.

Maki-Balita: Jericho Rosales, gaganap bilang pumanaw na si Ishmael Bernal