Bibida ang aktor na si Jericho Rosales sa upcoming biopic na “Bernal” na isinulat ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee.
Ayon sa inilabas na ulat ng SINEGANG.ph noong Sabado, Hulyo 4, itatampok sa nasabing pelikula ang buhay ni National Artist for Cinema Ishmael Bernal, na gagampanan naman ni Jericho.
“Very excited ako na finally itong matagal ko nang binalak na material o script ay matutuloy na,” saad ni Ricky.
Matatandaang nagkatrabaho sina Ricky at Ishmael sa mga pelikulang “Himala,” “Manila By Night,” “Relaasyon,” at iba pa.
Makakasama ni Jericho ang iba pang cast tulad nina Atom Araullo bilang Spanky Manikan, Iza Calzado bilang Rita Gomez; at John “Sweet” Lapus bilang Bernardo Bernardo.
Samantala, ang tinaguriang “Reyna ng Soap Opera” na si Judy Ann Santos naman ang gaganap umano bilang si Superstar Nora Aunor.