Ibinahagi ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo, Hulyo 5, na kasado na ang pagpapadala nila ng mga pulis, pagdadagdag ng CCTVs, at pagpapatupad ng rerouting plans para sa isasagawang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa PNP, aabot sa 6,630 ang ide-deploy nilang puwersa ng mga pulis upang tiyakin ang seguridad sa araw ng paglilitis laban sa Pangalawang Pangulo.
“The security operation includes the activation of a Special Task Group exclusively tasked to oversee police operations before, during, and after the proceedings,” saad ng PNP.
Anila, “Of the total personnel, 3,250 police officers will be deployed in key areas surrounding the Senate, while 2,900 Civil Disturbance Management personnel will remain on standby for immediate augmentation should the situation require.”
“Police deployment will cover the north, front, and south sections of J.W. Diokno Boulevard to maintain public order, assist motorists and pedestrians, and ensure the uninterrupted flow of lawful activities,” dagdag pa nila.
Anang ahensya, handa na rin ang CCTVs at finalized traffic plans para sa gaganaping impeachment trial.
“The PNP has also installed additional CCTV cameras in strategic locations, finalized traffic rerouting plans in coordination with concerned agencies, and identified nearby hospitals to ensure prompt emergency medical response if needed,” anang ahensya.
Sa kaniyang pahayag, idiniin naman ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. na handa ang pulisya na isagawa ang kanilang mandato nang may respeto at propesyonalismo.
"Nais nating matiyak na magiging maayos at ligtas ang lahat. Ang ating mga pulis ay nakaatas na gawin ang kanilang trabaho nang may disiplina, paggalang sa karapatan ng bawat isa, at buong propesyonalismo. Iyan ang inaasahan ng publiko sa atin," ani Nartatez.
"Nakikiusap tayo sa ating mga kababayan na makiisa sa mga ipatutupad na security at traffic arrangements,” dagdag pa niya.
“Ang maayos at mapayapang pagdaraos ng isang mahalagang pambansang gawain ay responsibilidad nating lahat. Magtulungan tayo upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat isa," pagtatapos ni Nartatez.
Isasagawa ang impeachment trial laban kay VP Sara sa Senado simula Lunes, Hulyo 6.