UMABOT na sa bilang na 67 ang mga manlalarong nagsipag-apply para sa darating na PBA Annual Rookie Draft.

Kabilang sa mga pinakahuling nagsumite ng kanilang aplikasyon si Letran big man Larry Muyang.

Ang 25-anyos na sentro at 2018 NCAA Rookie of the Year ay isa sa mga nagkaroon ng mahalagang papel nang makopo ng Letran Knights ang NCAA Season 95 championship ay nagsumite ng kanyang aplikasyon noong Huwebes.

Naglaro din ang 6-foot-5 na si Muyang para sa Pampanga Delta sa National Basketball League at sa Pampanga Giant Lanterns at San Juan Knight-Go For Gold sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kasama nyang nagsipagsumite rin ng kanilang aplikasyon sina dating University of the Philippines guard Jun Manzo, Jamie Malonzo, James Laput, David Murrell at Michael Jay Javelosa.

Gaya ni Manzo , produkto rin si Murrell ng UP Maroons habang ang 6-foot- 6 na si Malonzo at ang 6-foot-9 na si Laput ay naglari para sa De La Salle Green Archers.

Inaasahang madaragdagan pa ang nasabing bilang ng mga draft hopefuls bago sumapit ang itinakdang deadline ng PBA Commissioner’s Office para sa mga aplikante sa darating na Miyerkules.

-Marivic Awitan