Presentnaman pala sa engagement nina Ara Mina at Dave Almarinez ang mom at siblings ni Ara contrary sa paniniwala na wala sa special occasion sa buhay ng aktres ang kanyang pamilya.
Sa mga unang litrato kasi na lumabas, hindi kasama ang pamilya ni Ara, pero sa mga huling release ng pictures sa engagement party, kasama na ni Ara ang mom niya at mga kapatid.
Sa litrato na kasama nina Ara at Dave ang mom ng aktres, nakasulat ang, “My engagement will never be complete without the presence of the people Ihold dear to my heart... MY FAMILY.”
“Thank you for praying for us, believing in us and guiding us along the way. Dave and Iwill be forever grateful for all the love and support since day one.”
Sa litrato naman na kasama ni Ara ang mga kapatid na sina Cristine Reyes at Heidi, “My sisters @cristinereyes @heidigatmaytan. Sa wakas ikakasal na “ATE” nila. Ithought di na mangyayari yon kasi may kasabihan na pag naunahan daw ng mga mas batang kapatid ang panganay di na raw nakakapag-asawa. Pero di pa rin ako nawalan ng pag-asa.
“Sa mga single ladies at single moms like me, wag tayo mawawalan ng pag-asa. God will give what is best for us. Just trust HIM with all your heart.”
Wala pang ina-announce sina Ara at Dave ng kanilang wedding date. pero may mga naniniwalang this year na magaganap ang kasal.
Nitz Miralles