Si Mr. Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. M., at dating head ng Star Magic ang kumumbinsi kina Piolo Pascual at Maja Salvador para layasan ang ASAP Natin ‘To at lumipat sa ibang show para patatagin ang ididirek niyang bagong programa sa TV5, ang Sunday Noontime Live.

Kaya naman nahihiya siya sa dalawa sa pagkawala sa ere ng SNL.

Two seasons o six months ang dapat sana’y kasunduan ng Brightlight Productions at ni Mr. M, sa pag-ere ng SNL, subali’t tatlong buwan lamang itong napanood sa TV5 at tinanggal na sa ere ang kanilang show.

“Actually, they assured us dalawang seasons. One season is three months kaya hanggang March,” paglilinaw ni Mr. M.

Tsika at Intriga

Sinamantala ang pagkakataon? Daniel, pinasok daw si Kathryn habang wala si Mommy Min

Ang SNL ay isa sa mga programang iprinodyus ng Brightlight Productions, na pagmamay-ari ng billionaire businessman at dating Negros Occidental Representative Albee Benitez, at pumasok sa kasunduan bilang blocktimer para sa ilang programa sa TV5.

Simple lang ang paliwanag nina Piolo at Maja nang pagbigyan nila ang pakiusap ni Mr. M na maging hosts ng SNL — may utang na loob silang tinatanaw sa kanilang tatay-tatayan sa showbiz at hindi nila mahihindian ang dating Star Magic head, na naging instrumento para sa matagumpay nilang showbiz career.

Hindi rin biro ang isyung ibinato ng mga bashers kina Piolo at Maja sa pagtawid nila sa TV5, una’y ang kawalan ng utang na loob dahil sa pagtalikod nila sa Kapamilya network, at ang kawalan ng loyalty sa istasyong nagpayaman sa kanila.

“Kaya hiyang-hiya ako sa dalawa, e. I talked to them and I said, ‘I’m so sorry for dragging you into this,” sambit ni Mr. M.

“Even if they assured us at least six months, nine months pa nga dapat, e.”

-Ador V. Saluta