FLAVOR of the month ngayon sa social media si Derek Ramsay matapos kumalat ang larawan at videos kasama si Ellen Adarna in a party. Ano ang reaksyon ni John Estrada who is happens to be a good friend ni Derek? Ang hunk actor ay nabansagang playboy at playgirl si Ellen. Parang kapatid ang turing ni John kay Derek.
“Wala akong makitang masama kung playboy man siya which he is not. He is not married. Mag-suspetsa ka kung ang isang gwapong lalaki tulad ni Derek ay walang girlfriend...baka iba na yon. Kung sila man ni Ellen…let them be. Pareho silang single at walang nilalabag na batas...Buhay nila yan at both are old enough to know kung ano ang gusto nila.’
May forthcoming sitcom sina John Estrada at Ellen Adarna titled J&E. Baka gimik lang ito para pag-usapan ang sitcom. Sana magtagal unlike other shows sa TV5 na isa-isang namaalam.
-Remy Umerez