MABUTI at hindi napikon si Gerald Anderson sa comments ng netizenz na ‘wag niyang pakialaman sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial dahil nag-comment si Gerald ng “Sa th3rd floor mo ata natutunan mga ganyan galawan bro ah. Congrats bro @diegoloyzaga” sa Instagram ni Diego kung saan, naka-post ang photo nila ni Barbie noong sorpresahin niya ang GF nang ayusan ng flowers at balloons ang bahay nito.
Grabe ang netizens, may nag-comment ng ‘wag nang idamay ni Gerald si Diego sa style niya. May nag-comment pa ng “hoy Gerald wag ka dyan. Gagaya mo pa si Diego sayo” at may comment pang “ay naku style mo nag iisa ka lang na manloloko,tumahimik ka.”
May nag-comment naman para kay Diego at pinayuhan itong ‘wag gayahin ang style ni Gerald dahil hindi maganda. May humirit pa ng “wag mo gayahin budoy na to babaero please lang @ diegoloyzaga.”
May matindi pang nag-comment na hindi kayang i-flex ni Gerald si Julia Barretto dahil hindi pa nila inaamin ang kanilang relasyon. “Paano n’yo ipi-flex yung relasyon nyo... Eh may nasagasaan kayong tao eh... So mag hide hide nalang kayo huh, hangga’t malaman na lang namin na iba na naman pinopormahan mo.”
Hindi dine-delete ni Diego ang comments at pamba-bash ng netizens kay Gerald, kaya nababasa ng IG followers niya ang mga comments na tiyak, nabasa rin ni Gerald. Pero, ano nga kaya ang reaction ni Gerald sa patuloy na bashing sa kanya?
-NITZ MIRALLES