Inanunsyo ng University of the Philippines (UP) - Philippines general Hospital (PGH) na magaling na ang iniindang pneumonia ni Sen. Rodante Marcoleta.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Marcoleta, naka-wheelchair na dinala sa Sandiganbayan para sa pagdinig ng kasong plunder
Sa pagdinig ng Sandiganbayan 3rd Division nitong Miyerkules, Hulyo 15, 2026 kasama si UP-PGH Director Dr. Gerardo Legaspi, ibinahagi niya ang findings umano ng isinagawa nilang pagsusuri kay Marcoleta kung saan nakita nilang magaling na ang pneumonia ng senador.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Legaspi na kontrolado na rin daw ang hypertension ni Marcoleta at maaari na lamang daw itong gamutin sa outpatient. Hindi na umano kakailanganin pang i-confine sa PGH si Marcoleta.
Bunsod nito, nagbaba ng kautusan ang Sandiganbayan 3rd Division na ilipat na sa New Quezon City Jail - Male Dormitory si Marcoleta, kung saan siya nakatakdang ipiit.
Matatandaang noong Hulyo 6 nang naaresto ang senador matapos maglabas ng arrest order ang Sandiganbayan 3rd Division laban sa kaniya kaugnay ng ₱75 milyonng donasyong natanggap ni Marcoleta para sa kaniyang pangangampanya ngunit hindi niya umano ito idineklara sa Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) at Statement of Asset, Liabilities and Networth (SALN).
KAUGNAY NA BALITA: Warrant of arrest, hold departure order, inilabas laban kay Sen. Marcoleta, at iba pa!
Matapos maaresto, dinala sa Philippine National Police General Hospital (PNPGH) si Marcoleta upang isailalim sa medical test kung saan natukoy ang pneumonia at hypertension niya.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Marcoleta, 'di pa rin pwedeng lumabas ng ospital!
Natakadang makasama ni Marcoleta sa nasabing kulungan sa Payatas si Sen. Jinggoy Estrada na nauna nang ikinulong bunsod din ng kasong plunder kaugnay naman ng maanomalyang flood control projects.
Sa mga nakalipas na taon, si Marcoleta na ang maituturing na ikalimang senador na tinamaan ng sakit matapos na maaresto.