July 10, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Marcoleta, 'di pa rin pwedeng lumabas ng ospital!

Sen. Marcoleta, 'di pa rin pwedeng lumabas ng ospital!
Photo courtesy: via MB

Hindi pa makalalabas ng Philippine National Police General Hospital (PNPGH) si Sen. Rodante Marcoleta matapos irekomenda ng mga doktor na ipagpatuloy muna ang obserbasyon sa kaniya.

Kinumpirma ni PNP General Hospital Internal Medicine Department Chief Lt. Col. Belay Bayani na may ilan pang pagsusuring hinihintay bago nila payagang ma-discharge ang senador, kabilang ang resulta ng isinagawang 2D echocardiogram o 2D Echo.

"Nag-aantay pa rin po tayo ng result ng 2D echo, yung mga lab results meron na po tayo. And yung findings lang po natin don ay dyslipidemia. Cholesterol lang po yun," ani Bayani.

Batay sa isinagawang laboratory examinations, lumabas na may dyslipidemia si Marcoleta, isang kondisyon kung saan mataas ang antas ng "bad cholesterol" sa katawan na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan kung hindi mabibigyan ng tamang pangangalaga at gamutan.

Gayunman, sinabi ng doktor na wala pa naman silang nakikitang agarang komplikasyon sa kalagayan ng senador sa ngayon.

Politics

Kiko Barzaga, muling sinampal ng 'cyber libel' case!

"Sa ngayon po wala po, pero para po makasiguro ako na wala talagang pwedeng mangyari kapag nilabas na po [siya]," dagdag ni Bayani.

Patuloy namang mino-monitor ng mga doktor ang kondisyon ni Marcoleta habang hinihintay ang resulta ng mga natitirang pagsusuri bago magpasya kung maaari na siyang makalabas ng ospital.

Noong Lunes pa, Hulyo 6 nang dalhin sa naturang ospital si Marcoleta matapos siyang maaresto sa kasong plunder case na isinampa sa kaniya ng Ombudsman.

KAUGNAY NA BALITA; 'Palagi tayong nagpapasakop sa batas!' Sen. Marcoleta, tanggap pag-aresto sa kaniya! 

Natakadang ipiit ang senador sa New Quezon City Jail -  Male Dormitory sa Payatas kung saan nakadetine si Sen. Jinggoy Estrada dahil din sa kasong plunder.

Sa mga nakalipas na taon, si Marcoleta na ang maituturing na ikalimang senador na tinamaan ng sakit matapos na maaresto.