July 27, 2026

Home BALITA National

UAAP, pinagbigyan palugit ng ADMU sa findings ng pagkasawi nina Baterbonia, Adili!

UAAP, pinagbigyan palugit ng ADMU sa findings ng pagkasawi nina Baterbonia, Adili!
Photo courtesy: UAAP, File Photo

Pinayagan ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang Ateneo de Manila University sa kahilingan nitong palugit sa pagsusumite nila ng kanilang imbestigasyon sa naging pagkasawi ng dalawa nilang student-athlete na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili. 

Matatandaang opisyal na inanunsyo ng ADMU ang naging pagkalunod nina Baterbonia at Adili sa isinagawa nilang team building sa Dipaculao, Aurora, noong Hunyo 8, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Is it just a team building?' Netizens, umalma sa pagkalunod nina Baterbonia at Adili!

Sa inilabas na pahayag ng UAAP sa kanilang Facebook page nitong Miyerkules, Hulyo 15, sinabi nilang pinayagan nilang malipat ang deadline ng pagsusumite ng ADMU sa findings nila sa pagkasawi ng mga naturang atleta, mula nito sanang Hulyo 15 at nalipat ang deadline sa darating na Hulyo 24, 2026. 

Anang UAAP, kasama raw na malilipat kasabay ng deadline nila sa ADMU ang mga preventive measures na inanunsyo nila sa naturang isyu at ang pagbabawal sa mga miyembro ng Ateneo coaching staff na makasali sa anomang aktibidades ng UAAP. 

National

Diokno ngayong SONA: 'Panahon nang maglatag ng mga solusyon!'

“All previously announced preventive measures remain in effect during the extension period, including the barring of the concerned members of the Ateneo coaching staff from all UAAP-related activities,” anila. 

Dagdag pa nila, “Ateneo requested the extension before the original deadline to complete its internal investigation and submit its report. The UAAP Board approved the request during its meeting.” 

Pagpapatuloy ng UAAP, magbabatay raw sila sa kanilang pagpapataw ng pananagutan batay sa magiging fact-finding ng mga awtoridad, Ateneo, UAAP, at iba pa. 

“Any determination of accountability will be based on the findings of the appropriate government agencies, Ateneo's independent fact-finding body, and the UAAP, in accordance with the UAAP By-Laws and applicable rules and regulations,” pagtatapos pa nila. 

Samantala, hindi pa naman naglabas ng pahayag, tugon, o reaksyon sa publiko ang ADMU kaugnay sa desisyong ito ng UAAP. 

KAUGNAY NA BALITA: Coach Tab Baldwin, 11 iba pa lagot sa kasong reckless imprudence, simple negligence!