GUSTO na ni KC Concepcion na ibalik ang dati nilang tradisyon ng kanyang Mama Sharon Cuneta. Sa latest vlog ni KC, she shared how they used to write short letters for each other.
“We used to write with each other every few days and she would tape it on my door and I would tape my letter on her door. Then it stopped. So, I am aiming to restart the tradition.”
Tiyak na hindi lamang ang pagpapalitan ng letters ng mag-ina ang mangyayari. Kahit iyong mga sorpresang madalas nilang ginagawa noong araw ay nagbabalik na rin. Matatandaang matapos ang medyo tampuhan ng mag-ina, sinurpresa ni KC si Sharon noong birthday nito last January 6. Biglang dumating si KC sa Amanpulo Island sa Palawan, kung saan ilang araw na doon nag-celebrate ng birthday niya si Sharon and her family. May dalang cake at paboritong pagkain ni Sharon si KC. Isang letter muna ang ipinadala ni KC sa Mama niya: “I love you and I’m so happy to celebrate with you even for a few hours in the island.”
-NORA V. CALDERON