MAY comment ang YouTube vlogger na si Crisha Uy tungkol sa ex-boyfriend niyang si Joem Bascon na hindi lang nakipagbalikan kay Meryll Soriano, may anak na rin ang dalawa.
“Reading the article. When I was reading the article yung naramdaman ko that day was nagalit ako. Nagalit ako kasi bumalik yung feelings ko na i was betrayed all over again. Iba pala yung feeling na nakita mo vs kinuwento or tsinika lang sa iyo parang feeling ko kasi kailangan ko ilabas yung nararamdaman ko that day na... yung galit ko, yung sakit na yun kung ano man ang nararamdaman ko that da but hindi dahil mahal ko pa siya kundi you know ahm... Kasi naka move on na ako eh. Ano lang.
“Finally, finally na confirmed ko na nagsinungaling talaga siya noon. That i was lied too, kasi i gave them a benefit of doubt eh! before pero yun nga sampal pala sa mukha nung nakita ko yun. Sampal sa mukha na tama pala ang hinala ko noon finally girl confirmed ganun, ganun yung feeling.”
May mga nagpayo kay Crisha na after this, ‘wag na siyang magsalita uli tungkol kay Joem and in fairness, hindi niya binanggit ang pangalan ni Meryll. Walang rason para magalit kay Crisha ang fans nina Joem at Meryll, lalo na ang supporters ni Meryll dahil hindi na nga siya nabanggit. Between Crisha and Joem lang ang isyu.
-NITZ MIRALLES