Umakyat na sa 56 ang bilang ng mga namatay sa malakas na lindol sa Sulawesi island sa Indonesia, kasama ng libu-libo ang nawalan ng tirahan habang habang patuloy ang pagkukumahog ng mga rescuers na makapagligtas ng buhay sa gumuhong mga gusali.

IKINORDON ng mga awtoridad ang paligid ng gumuhong gusali kasunod ng 6.2 magnitude na lindol na tumama sa Mamuju, Indonesia. AFP

IKINORDON ng mga awtoridad ang paligid ng gumuhong gusali kasunod ng 6.2 magnitude na lindol na tumama sa Mamuju, Indonesia. AFP

Umaapaw naman ang mga ospital dahil sa daan-daang sugatan matapos ang 6.2 magnitude na lindol na tumama nitong Biyernes, na nagdulot ng panic sa mga residente sa isla, na tinamaan noong 2018 ng quake-tsunami disaster kung saa libu-libo ang namatay.

Tuloy naman ang paghukay ng mga rescuers sa mga labi na natabunan ng mga gumuhong gusali sa siyudad ng Mamuju, may 110,000 populasyon sa West Sulawesi province, kung saan pinadapa rin ng lindol ang isang ospital at isang shopping mall.

Internasyonal

Pinakamainit na temperatura ng mundo, posibleng maitala ngayong 2024

Mula 46 umakyat sa 56 ang official death toll nitong Sabado—bagamat inaasahan pang madadagdagan ang bilang.

Sa aerial images mula sa napinsalang siyudad kita ang mga gumahong gusali, kabilang ang regional governor’s office.

Hindi na malinaw kung ilan pang labia ng mahuhukay o kung may na-trap pa na buhay sa mga guho makalipas ang dalawang araw matapos ang sakuna.

AFP