May 24, 2026

Home BALITA Internasyonal

Istriktong health and safety measures, payo sa Filipino community sa DRC at Uganda

Istriktong health and safety measures, payo sa Filipino community sa DRC at Uganda
Photo courtesy: WHO (website)

Bunsod ng Ebola outbreak sa Democratic of Congo (DPC) at Uganda, mahigpit na pinapayuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Nairobi, Kenya, ang mga Pinoy na naninirahan dito na maging mapagmatyag at magkaroon ng mga istriktong hakbang sa kalusugan at kaligtasan.

Batay sa inilabas na abiso ng Embahada noong Sabado, Mayo 23, ang mga sumusunod ang hakbang ang mahalagang sundin ng bawat Filipino nationals sa DPC at Uganda: 

- Iwasan ang non-essential travels sa mga apektadong lugar, partikular sa eastern DRC at iba pang lugar na mayroong kumpirmadong Ebola cases. 

- Magkaroon ng hygiene practices katulad ng palagiang paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol-based sanitizers. 

- Iwasan ang direct contact sa mga indibidwal na nakakaramdam o kinakikitaan ng sintomas ng Ebola disease tulad ng lagnat, pagsusuka, diarrhea, o hindi maipaliwanag na pagdurugo sa katawan. 

Internasyonal

Lamay sa patay, ipinagbawal bunsod ng Ebola outbreak!

- Iwasan ang contact sa anumang mababangis na hayop tulad ng paniki, gayundin ang pagkain ng bushmeat o karne na mula sa mga unggoy, daga, reptilya, o ibon. 

- Maiging pagbabantay sa anunsyo ng mga awtoridad at World Health Organization (WHO) hinggil sa Ebola outbreak. 

Abiso pa ng Embahada sa mga Pinoy, tiyaking ang kanilang passport, visa, at iba pang travel documents ay nakahanda at nananatiling valid. 

Gayundin ang komunikasyon sa employers at organizers ng Filipino community para sa update sa lokal na kondisyon at iba pang emergency arrangements. 

Para naman sa mga Pinoy na nakararanas ng sintomas kaugnay ng Ebola disease, sila ay pinapayuhang magkaroon ng agarang medika na atensyon at ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang kanilang travel o exposure history. 

KAUGNAY NA BALITA: Muling pagkalat ng Ebola disease, isa nang ‘international concern’ – WHO